Add parallel Print Page Options

12 Nguni't inyong nilapastangan na inyong sinasabi, Ang dulang ng Panginoon ay (A)nadumhan, at ang laman niyaon, sa makatuwid baga'y ang hain doon ay hamak.

13 Inyong sinasabi rin naman, Narito, nakayayamot! at inyong nginusuan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo; at inyong iniharap ang nakuha sa dahas, at ang (B)pilay, at ang may sakit; ganito ninyo dinadala ang handog: (C)tatanggapin ko baga ito sa inyong kamay? sabi ng Panginoon.

14 Nguni't sumpain ang magdaraya na mayroon sa kaniyang kawan na isang (D)lalake, at nananata, at naghahain sa Panginoon (E)ng marungis na bagay; sapagka't ako'y dakilang Hari, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at ang aking pangalan ay kakilakilabot sa gitna ng mga Gentil.

Read full chapter